Thirty Last Days

Chapter 12



Chapter 12

HINDI mapakaling lumabas ng kanyang kwarto si Jethro. Nagpunta siya sa veranda para

magpahangin. Para siyang masisiraan ng bait nang mula roon ay matanaw niya ang hardin at makita

ang nakatayong pigura ni Cassandra habang kinakantahan siya. Frustrated na bumaba na lang siya at

kumuha ng maiinom sa kusina. Pero ang nakangiting mukha naman nito ang sunod niyang naalala.

He shut his eyes and tried remembering Dana. Pero ang pagkadismayang naramdaman niya lang ang

naalala niya nang pagmulat niya ng mga mata kaninang umaga ay ito ang unang nasilayan niya.

"Kapag kasi hindi natin kasama ang taong mahal natin, para tayong nawawala, naliligaw." Sumagi sa

isip niya ang sinabing iyon ni Christmas nang sundan siya ng kapatid sa kwarto ni Troy nang makita

nito ang pag-alis ni Cassandra noong birthday ng dalaga. "Hindi kaya... naligaw ka lang, Kuya?"

Kumabog ang dibdib ni Jethro. Bakit ba siya nagpapatumpik-tumpik pa? If he loses Dana, he would

lose a friend, a sister and a companion all rolled into one. But if he loses Cassandra, he would lose his

heart, his soul, his... life. How in the world could he take that?

Sa naisip ay mabilis na tinakbo ni Jethro ang sariling kwarto at kinuha ang cell phone at susi ng

kanyang kotse. Tatawagan na sana niya si Dana nang mag-text ito at papuntahin siya sa Brylle's dahil

may gig daw ang dalaga kasama ang banda.

Sigurado na ang direksiyong iminaniobra ni Jethro ang kanyang kotse.

NATIGILAN si Jethro nang makitang si Dana ang nakatayo sa sentro ng maliit na stage sa loob ng

restobar ni Brylle. Sa pagkakataong iyon ay hindi drumsticks ang hawak nito, wala rin ang mga

kasamahan ng fiancée niya. Solo lang ni Dana ang stage nang gabing iyon habang nakaupo sa tapat

ng piano.

Mukhang papasimula na ito nang dumating siya. Nagkasalubong ang kanilang mga mata. Ngumiti ang

dalaga pero hindi tumagos sa mga mata nito, bago nagsimulang tumugtog.

"Turn down the lights, turn down the bed. Turn down these voices inside my head. Lay down with me,

tell me no lies. Just hold me close, don't patronize me..."

MAPAKLANG napangiti si Dana nang makita ang lumarawang pagkasorpresa sa mga mata ni Jethro.

For a woman who had loved him since time immemorial, she wanted to just... stay by his side and keep

him. Pero hindi niya kahit na kailan malilinlang ang sarili.

"Cause I can't make you love me if you don't. You can't make your heart feel something it won't."

"I love you, Jet."

"Same here."

Bahagyang dumiin ang pagkakatipa ni Dana sa piano nang maalala ang bawat sandaling nagtatapat

siya ng pagmamahal sa binata. Madalas ay ngingiti lang ito, yayakapin siya o 'di kaya ay kikintalan ng

halik sa noo, pagkatapos ay bubulong ng ganoong mga salita. It had always been "thank you" and

"same here" but never "I love you, too." Pero pinilit niyang makontento sa ganoon dahil ang akala niya

ay sasapat na iyon.

"I'll close my eyes and then I won't see. The love you don't feel when you're holding me. Morning will

come and I'll do what's right. Just give me 'til then to give up this fight..." Hindi na itinago ni Dana ang

mga luhang nag-unahan sa pagbagsak mula sa kanyang mga mata. "Cause I can't make you love me

if you don't."

Nang magpalakpakan ang mga customers ay mabilis na siyang bumaba sa stage at sinalubong si

Jethro. Ikinulong niya ang mga pisngi nito sa kanyang mga kamay. Sa pagkakataong iyon ay malinaw

niya nang nababasa ang sakit sa mga mata ng binata.

"Dana, I don't want you to end up hating me in the future if we push this. I'm sorry-"

"Sshh." tinakpan niya ng mga daliri ang mga labi nito. "Naiintindihan ko, Jet. It's the way you say her

name, the look in your eyes whenever you remember her. Hindi ka nagpapakita ng emosyon dahil

natatakot kang mapansin ko but, Jet... your eyes say it all."

Inalis ni Jethro ang mga daliri niya sa labi nito, pagkatapos ay niyakap siya. "I'm so sorry."

"Don't be." Gumanti si Dana ng yakap, kasabay ng muling pagbagsak ng mga luha niya. "I'm letting

you go not because of anything else. Ayoko lang na... mahal mo lang ako kasi wala siya. I... I can't take

that." Kumawala na siya kay Jethro at pilit na tinulak ito palayo. "Go. I can manage."

PARANG may mainit na mga kamay na humaplos sa puso ni Jethro nang makita ang babaeng

pinakamamahal na nakaupo sa ilalim ng puno ng acasia, nakasandal doon habang nakapikit. Malakas

ang hangin at umuulan din nang mga sandaling iyon, pero para bang balewala iyon sa dalaga.

Walang halong pagmamadaling humakbang siya palapit. Dahil sa pagkakataong iyon ay nasa sa kanila Content © copyrighted by NôvelDrama.Org.

na ang lahat ng oras na kailangan nila. "Pag-alis mo bukas, ano'ng plano mo?" nangingiting tanong

niya. Naupo siya sa tabi ng dalaga. God... it felt so great having her this near knowing that this time

around, it was right, it was real and it was... for forever.

HINDI nagmulat ng mga mata si Cassandra, pero humigpit ang pagkakahawak niya sa damong malapit

sa kanya. Itinawag na sa kanya ng kapatid ang tungkol sa pagdating ni Jethro. Nasa poder pa rin siya

ng ina sa mga sandaling iyon.

Gusto niyang itakwil ang kuya niya. How could he actually give Jethro her address knowing that he

would just hurt her again? "Pumunta ka pa talaga rito para itanong sa 'kin ang bagay na 'yan? Nang-

aasar ka ba?" Hindi niya napigilang ganting-tanong. "Sana, nag-text ka na lang. At ang reply ko, ido-

double send ko pa."

"Cassey-"

Naghihinanakit na napamulat si Cassandra ng mga mata nang marinig ang pagsuyo sa boses ni

Jethro. Ngayon na lang niya uli narinig na tinawag siya ni Jethro sa kanyang palayaw. Nangilid ang

mga luha niya. "How can I plan for the future when I'm still stuck in the past?"

Nang makita niya ang pagguhit ng para bang namamanghang ngiti sa mga labi ni Jethro ay gusto

niyang batukan ang sarili sa pagbubuko ng nararamdaman. Malakas siyang napabuga ng hangin para

kalmahin ang sarili. "Seriously? Ang plano ko, makipag-date kaagad pagbalik ko sa France. Maybe I'd

say yes to my long-time suitor there, hang out with him and ask him to marry me after a while.

Mamahalin ko siya, tutal, ang dali lang namang makahanap ng taong mamahalin. Nakahanap ka nga

kaagad, 'di ba?" Tumayo na siya at naglakad palayo.

Pero humabol si Jethro. "I'm sorry."

Napasinghap si Cassandra nang mayamaya ay yakapin siya ng binata nang mahigpit mula sa likuran.

"I've missed you. I love you. And I'm proud of you."

Tumulo na ang mga luha niya. "Jet, ano na naman ba 'to?"

"Sabihin mo nang ungentleman ako. But when I woke up one morning and found Dana by my side, I

realized it could have been better if I'm with a different woman... if I'm with you." Humigpit ang

pagkakayakap ni Jethro sa kanya. "Ilang araw na 'kong hindi mapakali. I kept asking myself, paano

pala kung ikaw naman ang ikakasal? Could I actually bear seeing you with someone else? Kay Chad

pa nga lang, halos masiraan na ako sa selos."

Hope rose in her chest. Inalis niya ang mga kamay ng binata na nakayakap sa kanya, pagkatapos ay

pumihit paharap. Kumabog ang kanyang dibdib nang malinaw na niyang nakikita ang init at

pagmamahal sa kulay-tsokolateng mga mata nito, mga bagay na kay tagal na mula nang huling masilip

niya. "Jet-"

"I was conquered by your smile. Isang ngiti mo lang, nagdalawang-isip na ako. Dinagdagan pa ng

yakap at halik mo, napasuko na 'ko." Idinikit ni Jethro ang noo sa noo ni Cassandra. "Mahal kita,

Cassey, walang nagbago. Noon at ngayon, ikaw lang."

Napuno ng pangamba ang puso ni Cassandra nang maalala si Dana. "Paano si Dana-"

"She let us go." Ngumiti ang binata at inangat ang mukha niya. "We have all the time in the world now,

love. Pwede ba nating i-extend ang thirty days? How about the rest of our lives? Will you let me?"

Nanlaki ang mga mata ni Cassandra nang lumuhod si Jethro sa kanyang harap hawak ang singsing na

apat na taon man ang lumipas ay hindi niya nalimutan. Napuno ng kaligayahan ang kanyang puso.

Pero sa loob niya ay naroon ang piping dalangin na sana ay makahanap na rin si Dana ng taong para

dito. Thank you, Dana.

Sunod-sunod siyang tumango. Mabilis namang inabot ni Jethro ang kanyang daliri at isinuot doon ang

singsing. Para namang na-starstruck na napatitig doon si Cassandra. "You really kept the ring."

"Maybe because I was hoping that one day you'd come back and... you did," nangingiting sinabi ng

binata kasabay ng pagtayo. "I've missed you so much and I love you, Cassey. Mula ngayon, paulit-ulit

ko nang sasabihin sa 'yong mahal kita. Sa tuwing aalis ka, sasamahan kita. Because I don't want to

miss you again. Heck, I've missed those eyes, those lips..." Napahugot ito ng malalim na hininga.

"Sa bawat pagtupad mo ng pangarap mo, umasa kang nasa likod mo 'ko, uunawa, maghihintay, at...

magmamahal sa 'yo. Simula ngayon, susundin ko na 'to," Inilapat ni Jethro ang kamay niya sa dibdib

nito. Damang-dama niya ang malakas na pagtibok ng puso ng binata. "Minsan sinabi sa 'kin ni Chris na

kapag hindi mo kasama ang taong mahal mo, para kang nawawala, naliligaw. At tama sya. Ayoko nang

maligaw pa. I'll keep holding your hand from now on because as long as I'm with you, I can be assured

I'm on the right track."

Ipinikit ni Cassandra ang mga mata at dinama ang pagkabuhay ng puso niyang kay tagal ding

nangulila sa binata. For the first time, after four long, agonizing years... she was living again.

Nang siilin siya ni Jethro ng halik sa mga labi ay parang sasabog ang dibdib na napaluha si Cassandra

habang tinutugon iyon. Ngayon niya masasabing natupad niya na ang kanyang pangarap, na

matagumpay na siya... dahil bumalik na si Jethro sa kanya.

WAKAS

The Novel will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.