KABANATA 4
Alas-siyete nang umaga at kagagaling lang ni Aling Selya sa pamilihan "Naku Manang Marta! Alam niyo ho bang balita sa labas?" malakas na tanong ni Selya, na isa ring chismosang kasambahay doon. "Ano ba iyon?" Nakasimangot na tanong ni Manang Martha.
"Naku, kagabi raw may malaking aso na umaaalulong! Sabi nga hindi raw ordinaryong aso eh! Parang Wolf daw iyon sa laki! Sabi naman ng iba ay baka aswang iyon!"
"Naku aswang iyon! Ganon na ganon sa baryong pinanggalingan ko!" sabat naman ni May. Habang naghihiwa ng mga sibuyas. Si Polina naman ay hindi kumikibo habang naghuhugas ng mga gulay na iluluto nila. Muntik pa siyang masamid ng sarili niyang laway dahil sa alam niyang siya ang tinutukoy sa balita. Ngunit hindi siya nagpahalata sa mga ito. Kaya nga kanina ay hindi na siya natulog kundi maaga na siyang naglinis ng buong salas. Natuwa naman ang dalawa dahil sa nagawa na niya ang dapat ay gagawin ng mga ito.
"Hoy! Bilisan niyo nga diyan! Wala na kayong gagawin, lahat pinagawa niyo na kay Polina! Mahiya naman kayo no!" saway sa kanila ni Aling Martha. Natahimik naman ang dalawa sa kanilang pagkukwentuhan.
"Ayos lang po sa akin, Nay Martha," mahina niyang sabi upang hindi naman mapahiya ang dalawa. Samantalang nagulat silang lahat ng makitang nasa bungad ng pintuan ang kanilang amo, at tuloy-tuloy itong pumasok sa kusina. "S-Sir Hyulle, bakit po naparito kayo? May kailangan ba kayo?" Atubiling lumapit si Aling Martha.
"Wala ho, may tinitingnan lang po ako," sabi pa nito at dumeretso sa refrigerator. Binuksan iyon at may kinuhang ilang kahong mga gatas na nakatetra pack."Manang pakisabi nga po kay Mang Kanor magpa-deliver uli ng mga sariwang gatas ng baka, at karne ng baka." Seryosong utos nito sa matandang babae.
Napangiwi naman ang matanda, "Eh... Sir sabi niyo po, ayaw niyo na po ng mga iyon, pati yung mga sariwang baka," nagtatakang tanong ni Aling Martha.
Marahang lumapit sa matanda si Hyulle at bago sumagot ay tiningnan muna siya, at lahat ng naroon. "Kailangan na kasi, may pakakainin ako noon." Pagkatapos ay lumakad uli palabas nang kusina, ngunit napahinto ito at muling lumakad papasok, lumapit sa kanya na noon ay nakatalikod dahil nakaharap siya sa lababo. "Hindi ba pinapupunta na kita sa head office ng school n'yo?" seryoso nitong tanong sa kanya.
Nagulat siya dahil halos naramdaman niya ang hininga nito habang nakatalikod siya rito, ngunit hindi siya nagpahalata sa iba at nang humarap siya ay laking gulat niya na naroon pa pala ito sa likod niya, "ay palaka ka!" nabitiwan niya ang hawak niyang sandok at bumagsak iyon sa bandang paanan ni Hyulle. Sabay silang napapikit sa matinis na tunog ng sandok na iyon. Maging ang iba pa ay kinakabahang napapikit na lamang din.
Humugot ng malalim na hininga si Hyulle bago ibinuga iyon at napapapalatak ito at umiling-iling pa habang napa-cross arms na nakatingin sa kanya.
"Hay, napaka-clamsy!" Sabay talikod nito sa kanya. Alam niyang naiinis ito sa kanya. Hindi niya rin kasi maunawaan kung bakit tila ba nakakarinig siya ng malalakas na tambol ng mga drum, sa loob ng katawan niya dahil sa sobrang lakas ng kabog ng puso niya.
Kaya naman inis niyang dinampot ang sandok, "Hum! Pasalamat ka at tinulungan mo ako kaninang madaling araw kundi kakagatin kita!" sigaw niya sa kanyang isipan.
Nagulat siya nang biglang tumigil ito sa paglalakad at muling lumingon sa kanya. "Polina, follow me in my library," may awtoridad nitong utos, habang tinatapunan siya, nang masamang tingin.
Saka lamang nakahinga ng maluwag ang dalawa pang katulong na sina May at Selya ng tuluyang umalis ang binatang amo nila. Parehong mga dalaga pa, ngunit may mga edad na. "Naku, kinabahan ako kay Sir, sobra." Napahawak pa ito sa dibdib at huminga ng malalim.
"Ako nga rin, pero kinikilig ako, parang ako yung pinupuntahan ni Sir Hyulle, dito sa kusina." Kinilig-kilig pa ito habang nakahawak sa dibdib.
Napasimangot naman si Aling Martha at naiiling sa dalawa habang pinagmamasdan ang mga ito. Siya naman ay naaaliw na tinitingnan ang dalawang mga babae. Napagtanto niya na kahit na ganito ang mga ito ay malilinis naman ang mga puso nila. Dahil wala siyang naririnig na masamang hangarin sa mga isipan ng mga ito. "Nako Polina, pumunta ka na sa library, baka magalit iyon kapag hindi kapa pumunta kaagad," singit na sambit ni Manang Martha.
Palagi si Hyulle sa library, kaya mahigpit ang bilin ni Aling Martha na mag-iingat siya sa mga kilos at gagawin sa loob ng library. Kung may iuutos ito o ipapalipat o lilinisin ay antayin lang niya ang mga sasabihin nito. Pero alam naman niyang hindi iyon ang nais ng kanyang amo kaya siya nito pinapupunta sa library. Tiyak niyang pipilitin siya nitong magpalipat sa day shift, sa school niya.
Nagtataka nga siya kung bakit pilit siya nitong pinaiiwas sa gabi. Nang bigla na lang niyang naisip na maari kayang alam nito ang nagaganap sa kanyang pagpapalit anyo. "Pusible kaya iyon?" naitanong niya sa kanyang sarili.
Marahan niyang pinihit ang door knob upang bumukas ang pintuan at marahan din siyang pumasok sa loob. Napakalaki talaga ng library na iyon. Kung titingnan ay nahahalintulad ang disenyo niyon sa mga pelikulang pang ibang bansa na napapanood niya. Nakaupo ito sa harapan ng lamesa na nasa sentro ng buong silid at seryoso itong nakatingin sa kanya.
"Ehem, ba't niyo po ako pinapunta rito?" mahina niyang tanong. Tinitigan siya nito at naniningkit ang mga mata nito sa kanya.
"Ang tigas ng ulo mo no? Diba sabi ko pumunta kana sa office ng school, kung hindi ka makakapunta ngayon habang maaga pa hindi ka pwedeng pumasok mamayang gabi," medyo galit ang tinig nito sa kanya. "Bakit ba? Bakit galit na galit ka sa schedule ko?"
"Dahil mamayang gabi full moon pa rin!"
"Paano mo naman nalaman? Weather forecaster ba ang trabaho mo? O kaya ay nag-aaral ka ba tungkol sa mga paglitaw ng buwan sa mundo?" napapamaang niyang tanong.
"Ha! Ha! Ha! Nakakatawa naman yang sinasabi mo!" mapakla nitong sambit sa kanya. At alam niyang hindi ito natatawa sa mga sinabi niya. Tumayo ito at lumapit sa mga book shelf may mga kinuhang aklat doon. Isa-isa nitong kinukuha ang mga aklat at lumakad muli dala ang limang aklat na napakakakapal. "I give you something na may malalaman ka at matutunan okay!" mariin nitong sambit sa kanya.
"Sino ka ba talaga?"
"Can you ask your self! I think ikaw yung hindi nakakakilala sa sarili mo. Heto Kunin mo para makilala mo ang sarili mo." Sabay abot nito sa kanya ng mga libro. Nakita niya ang title ng isang libro.
"The life of a real wolf" Nanlaki ang mga mata niya ng mabasa niya iyon. At nabitiwan niya ang lahat ng mga libro. Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sa amo niyang si Hyulle. At tila nagtaasan ang mga balahibo niya sa katawan. Nakaramdam niya ang matinding panlalamig kaya't nayakap siya sa kanyang sarili. Ilang sandali pa ay narandaman niya ang kakaibang panlalamig sa buo niyang katawan. Parang binalot siya ng makapal na yelo dahil sa mabilis na nanginig ang buo niyang kalamnan. At halos mapaluhod na siya sa sobrang paninigas ng buo niyang katawan.This text is property of Nô/velD/rama.Org.
"S-sino ka bang talaga? At anong... nalalaman mo...tungkol sa pagkatao ko?" Naninigas ang leeg niyang tanong. At hindi niya mawari ang nagaganap dahil sa unti-unting tila nababalot sila ng makapal na usok. At ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nanghina at nawalan ng malay.