Chapter 13
Chapter 13
“IS IT… normal to want to hear your friend’s voice over and over again? To want to see him always?”
may halong pagtataka sa boses na tanong ni Maggy kay Clarice habang nasa veranda sila ng
tinutuluyan niyang kwarto. Araw-araw siyang dinadalaw nito.
Tuwing Sabado ay buong araw na naglalagi ang babae sa mansiyon ng mga McClennan kasama ang
asawa nitong si Alano, katulad na lang nang mga sandaling iyon. Sa tuwina ay kinukuwentuhan siya
nito ng mga bagay tungkol sa sarili niya, sa kanyang mga magulang, sa kakambal niya, sa Tito Harry
nila at sa negosyong pinamamahalaan niya.
Sa sandaling naipaliwanag sa kanya ni Clarice ang bigat ng trabaho niya bilang CEO ng YCM ay
ginusto niya na kaagad na bumalik sa Nevada. Pero hindi niya pa kaya. Ang dami niyang
kinatatakutan, ang daming mga bagay na ipinag-aalala. At kung magpapakatotoo lang si Maggy sa
sarili ay aaminin niyang hindi niya mahanap ang masayang bahagi ng pagkatao na madalas ay
inilalarawan patungkol sa kanya ni Austin. Dagdag pa roon ang para bang kabaliktaran na mga kwento
ni Clarice.
Kung ilarawan siya ng kaibigan ay para siyang isang masigasig na nagtatrabaho na wala nang
pakialam sa paligid niya maliban sa negosyong pinamamahalaan. Na para bang wala siyang oras para
lumabas at pagmasdan ang ganda ng mundo, na ayon kay Austin ay siya raw palagi nilang ginagawa
na dalawa noon. Tuwing nagkukuwento si Clarice ng tungkol sa kanya, pakiramdam niya ay ibang
version niya ang naririnig. But Clarice’s story seemed genuine. And so was Austin.
Napahugot si Maggy ng malalim na hininga.
The problem with not knowing who you are is that you could never guess the truth, mapait niyang
naisaloob.
Kapag nasa paligid si Austin at siya namang nagkukuwento ay parating tahimik at sumasang-ayon lang
si Clarice sa isang tabi. Kaya siguro ang binata ang higit na nagsasabi ng totoo. Isa pa ay kay Austin
siya mas komportable. Pero isa sa mga darating na araw ay plano niya pa ring hulihin ang mga ito.
Plano niyang magkasarilinan silang tatlo at sabay na usisain ang dalawa.
“Hindi talaga nakakalimot ang puso,” narinig niya na halos pabulong na sinabi ng kaibigan. Mula sa
pool area sa ibaba ay nalipat ang mga mata niya kay Clarice.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Lagi mo bang naaalala si Austin?” sa halip ay ganting-tanong nito.
Nag-iwas si Maggy ng mga mata. Muling bumalik ang atensiyon niya sa pool area. Namilog ang mga
mata niya nang makita ang pagdating doon ni Austin. Itim na trunks lang ang saplot nito. Agad na
naglakbay ang mga mata niya sa katawan ng binata.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakita niyang ganoon lang ang suot ni Austin. Alam niya nang
malalapad ang dibdib nito. Ilang ulit niya nang naramdaman iyon sa ilang beses na pagyakap nito sa
kanya pero ang makita niya iyon ay iba pa rin pala. Sa liwanag na nagmumula sa haring araw ay mas
lumitaw ang pagiging mestizo nito. Kay sarap nitong pagmasdan nang mga sandaling iyon. He looked
like a beautiful work of art.
I wonder how it would feel if I’d run my fingers over his chest… Mayamaya ay naipilig ni Maggy ang
ulo. Normal lang ba ang ganoong isipin? Bumilis ang pagtibok ng puso niya nang lumingon sa
direksiyon nila ni Clarice si Austin. His eyes seemed to be smiling.
“Do you want to join me here?” may-kalakasan ang boses na tanong ng binata.
Mabilis na umiling si Maggy. “N-no, but thank you,” may halong tensiyon sa boses na sagot niya.
Tumango lang ang binata mayamaya ay nag-dive na sa swimming pool. He swam gracefully.
Napalunok siya. Sandali pa siyang nanghinayang nang hindi na masilayan nang buo ang katawan nito.
“Ano ba ‘tong mga naiisip ko?”
“You can tell me about it, Maggy,” mayamaya ay malambing nang sinabi ni Clarice. “Nang hindi ka pa
nagkakaroon ng amnesia, aminado akong bihira kang maging open sa mga nararamdaman mo. You
have always been strong. You were so afraid to expose your feelings because you didn’t want to be
vulnerable. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Kaya kung may mga tanong ka, sabihin mo sa akin
para matulungan kita.”
Sandaling nakagat ni Maggy ang ibabang labi. “I… I feel more strange than ever the night Austin k-
kissed me. Kung noon, hindi ako makatulog sa pag-aalala para sa kinabukasan ko, ngayon naman
hindi ako makatulog sa kaiisip sa nangyaring halik sa aming dalawa.”
Walang usapang namagitan sa kanila ni Austin matapos siyang halikan nito sa sinehan noon.
Kunsabagay ay hindi niya rin naman alam kung ano ang sasabihin tungkol doon. “Alam kong mali ito.
Hindi dapat ako nakakaramdam nang ganito dahil magkaibigan kami. But I… I just can’t control my
feelings. And now, I’m silently wishing to always see him with just his trunks. Geez, it was such a
beautiful sight.”
Naramdaman ni Maggy ang pag-iinit ng mga pisngi nang malakas na tumawa si Clarice, tawang para
bang punong-puno ng pagkaaliw. Pero nagpatuloy pa rin siya dahil wala na siyang iba pang
mapagsasabihan tungkol sa bagay na iyon. “Kapag pumapasok siya sa trabaho at naiiwan ako rito,
gusto ko siyang tawagan parati. Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto ko siyang parating nakikita.
Austin is such an adorable man.” Sa kabila ng nadaramang hiya ay ngumiti si Maggy. “Napakabuti niya
sa ‘kin. Hindi ko alam kung gano’n ba talaga siya. Wala naman siyang sinasabi para maliwanagan man
lang ako.” Nawala ang ngiti niya. “Come to think of it, ni hindi ko pa pala siya natatanong kung may
girlfriend na siya.”
“For the past years, I haven’t seen you smile like you did a while ago,” namamanghang sinabi naman ni
Clarice. Pinakatitigan nito si Maggy. “Suddenly, I feel like I’m seeing the thirteen-year-old you. You were
suddenly alive… and sassy.” Namamasa ang mga matang mahigpit siyang niyakap nito sa kabila ng
pagkasorpresa niya.
“Ngayon ay naiintindihan ko na nang husto si Austin sa gusto niyang mangyari. You’re back, Maggy.
The side of you that you have kept hidden for years is slowly coming back. Ganyang-ganyan ka rin
noon sa first crush mo. Aligaga pero masaya.” Kasabay nang paghigpit ng yakap sa kanya ay ang
masiglang pagtawa nito. “I’ve missed this side of you, best friend!”
“Clarice—”
“`Wag kang mag-alala, walang girlfriend si Austin. Hindi siya palaging magmamadaling umuwi rito kung
meron. Wala rin siyang nililigawan ngayon. What you feel towards him is just normal, believe me.”
Matamis na napangiti si Maggy sa mga narinig.
“Come on, I know you wanna giggle or shout. Don’t be a killjoy,” nanunukso ang boses na dagdag pa ni
Clarice. “Ganyan ka dati, eh. Let that scream out.”
Humagikgik siya. For some reason, Clarice was right. She really wanted to scream. She was feeling
quite high at the moment. “Hindi pwede. Nasa `baba lang si Austin. Baka marinig niya tayo.”
Ibinaon na lang niya ang mukha sa balikat ni Clarice saka impit na tumili. Nang lumakas ang tawa ng
kaibigan ay saka lang siya tuluyang napanatag sa presence nito. Sa kasalukuyang estado nila ay noon
niya naramdaman nang husto na totoo ngang malapit siya rito.
“YOU ARE trying to seduce Maggy,” bakas ang amusement sa boses na sinabi ni Alano kay Austin
pag-ahon niya sa swimming pool. Ibinato nito ang tuwalya sa kanya na ipinatong niya kanina sa
ngayon ay kinauupuan na nitong reclining chair. Mabilis na sinalo niya iyon.
Nagkibit-balikat si Austin at pilyong ngumiti. “Maybe.”
Hindi niya nakasanayan ni minsan ang magpakitang-gilas. Pero para sa atensiyon ni Maggy ay
nakahanda siyang subukan. Mabuti na lang at mukhang mahaba-haba pa ang panahon niya. Ayon sa
doktor ng dalaga ay walang kasiguruhan kung babalik pa ba ang alaala nito. Mahaba pa ang oras niya
para ipaalala rito ang pagmamahal na naramdaman para sa kanya. Pagsulyap ni Austin sa veranda ay
nakita niyang mahigpit na magkayakap sina Clarice at Maggy.
Napanganga si Austin. During those times that he was trying so hard to swim as gracefully as he can,
Clarice and Maggy was just up there having their own moment? Heck! Naiinis na nilingon niya ang
natatawa nang kapatid. “Your wife is stealing my supposed-to-be moment, Kuya. Nakita mo naman na
pala ang ayos nila. Sana sinenyasan mo man lang si Clarice na tumabi-tabi nang kaunti para nakikita
pa rin ako ni Maggy rito.”
“Kung magpapasikat ka kasi, siguruhin mong walang ibang tao para `di ka ma-outshine ng iba.”
Ngumisi si Alano bago ito nagseryoso. “Last night, Clarice told me that Maggy was a sassy, naughty
girl before our father meddled with the Alvero and de Lara’s lives. And this afternoon, I think I just saw
a glimpse of that sassy girl. At sigurado akong nakita rin ‘yon ni Clarice. That explained their sudden
moment.” Marahang ngumiti si Alano. Bumalik ang mga mata nito sa dalawang babaeng kasalukuyan
nang naghahagikgikan sa veranda.
Kahit si Austin ay sandali ring nasorpresa. Parang bumuo ng sariling mundo ang magkaibigan. Hindi
pa niya nakitang ganoon ka-carefree si Maggy. Pakiramdam niya ay hinaplos ng kung anong mainit na
bagay ang kanyang puso. Ganoon dapat ang buhay ni Maggy, ganoon talaga dapat ito kasaya kung
hindi lang sa kanyang ama na siyang umagaw ng kislap sa mga mata nito. Bumagsak ang mga balikat
niya sa naisip.
“I’m seeing changes now, bro,” pagpapatuloy ni Alano bago ibinalik ang mga mata kay Austin. “Kaya
kahit alam kong tututol sa sasabihin ko si Clarice, I’m urging you to push through with your plan. Dahil
sinong nakakaalam? Baka kalaunan ay magustuhan ni Maggy ang dating siya at hindi niya na maisip
na balikan ang buhay niya bago ang aksidente sakaling bumalik man ang alaala niya. Make her realize
the things she would miss if she’d leave your side. Lumikha ka ng mundo na hindi niya na gugustuhing
iwanan pa.”
“Gano’n ba ang ginawa mo noon kay Clarice?”
Tumango si Alano. “Hanggang ngayon, walang nagbago. Gano’n pa rin ang ginagawa ko. And I advice
you to do the same. Mahirap ang kalaban natin dito, Austin. It was their parents’ death; it was the hate
that had been buried inside their hearts for years. At ang galit na ‘yon, pwede pa ring bumangon at
sumiklab anumang oras. At—”
“At doon sa bagay na iyon tayo talo.” Bumuntong-hininga si Austin. “Naiintindihan ko, Kuya,” aniya
habang inaalala ang naging pagbisita noon ni Maggy sa kanyang mga magulang sa Olongapo. “In fact,
I understand so much better than you think I do.”
NAGISING si Maggy nang maramdaman ang paglalakbay ng pamilyar na mga kamay na iyon sa
kanyang likod at pababa pa. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata mayamaya ay bahagyang
iniangat ang ulo mula sa pagkakasandal sa dibdib ni Austin. Noong nakaraang gabi matapos ng
matamis na pinagsaluhan nila at matutulog na sana siya ay binuhat pa siya ng binata at pinahiga sa
ibabaw ng katawan nito.
“The knowledge that you’re leaving brought me so much fear,” naalala ni Maggy na sinabi pa ni Austin.
“That’s why I wanted to continuously feel you; your warmth, your body next to mine and everything
about you.”
Gustuhin mang magprotesta ay hindi niya na nagawa dahil pagod na pagod ang kanyang pakiramdam.
Bukod doon ay gusto niya rin ang kasalukuyang posisyon nila, gusto niya ang pakiramdam na
nakalapat ang kanyang dibdib sa dibdib nito. Gusto niya ang pakiramdam na magkasanib ang kanilang
mga katawan hanggang sa kanilang pagtulog.
It was making her daydream for a while that their hearts, bodies and souls were one. Natatandaan niya
pa ang pagyakap sa baywang ng binata kasabay ng pagpalibot ng mga braso nito sa kanyang likod
bago siya tuluyang nakatulog.
“Good morning,” halos pabulong lang na sinabi ni Maggy kay Austin nang makita niyang mulat na rin
ito.
Kuminang ang mga mata nito. “This is beyond a good morning, sweetheart. Ito ang pinakamagandang
umaga sa buong buhay ko.” Masuyo itong ngumiti. “How are you feeling right now?”
“Still sore,” namamaos na sagot ni Maggy at muling idinikit ang pisngi sa dibdib ng binata. “I still want
to rest but your hands have been bothering me,” nanunuksong dagdag niya bago ipinikit ang mga
mata. “`Lipat na kaya ako sa kama?”
“No.” Mabilis na yumakap kay Maggy ang mga braso ni Austin. “Dito ka lang. I love the feeling of you
lying on top of me. I promise I’ll behave. Thank you for last night. Now, go back to sleep, sweetheart. I
love you.”
“Hmm…” Naghihikab na tumango na lang si Maggy. Gusto niya pa talagang matulog pero agad na
naglaho ang kahuli-hulihang bakas ng antok niya nang maramdaman ang buhay na buhay na bagay
na iyon na nagpapahiwatig sa kanyang sikmura. Nag-init ang kanyang mga pisngi. “Austin!”
Natatawang ibinaba na siya ni Austin sa kama. Mabilis na kinintalan siya ng halik sa mga labi bago nito
hinigit ang kumot at itinakip hanggang sa kanyang leeg. Original from NôvelDrama.Org.
“I’m sorry. My body had never reacted this way to someone before. Sa ‘yo lang naman ako
nagkakaganito.” Hinaplos ng binata ang kanyang mga pisngi. “With you, it seems like my heart, body
and soul have minds of their own.”
Hindi nakasagot si Maggy dahil ganoon din ang mismong nadarama niya. Simula nang mahalin niya
ang binata ay hindi niya na kontrolado pa ang sariling katawan pati na ang puso niya. Sa kabila ng
matinding galit sa ama nito ay hinahanap-hanap niya pa rin ang mga halik at haplos ng binata.
“I feel like the most honored man for being the first in your life, sweetheart. Not that it would matter if I
was the second or third though. O kahit pang-ilan pa. Basta ang mahalaga ay ako ang huli. Pero higit
pa sa regalo ang ibinigay mo sa akin kagabi. Thank you, Maggy. And I’m sorry. I know you’re still hurt.”
Inginuso ni Austin ang ibabang bahagi ng katawan niya. “Down there, most especially.”
Nahaplos ng binata ang batok nito. “Kaya sa sala na muna ako. I couldn’t stay near you without
burning, without the need to feel you again and to make love to you again.” Bumangon na ito sa kama.
“You are the loveliest woman I’ve ever been with. And this is crazy but even when you’re fully covered
right now, it still... Turns me on knowing that you don’t have anything underneath.”
Nang tumayo na ang binata ay biglang nakaramdam ng pagkaalarma si Maggy na agad ding nawala
nang mabistahan niyang muli ang kakisigan nito. She had always known that Austin was gorgeous. But
looking at him right now without anything on, she realized that Austin was more than that. He was sexy.
And he can be extremely seductive if he wanted to.
And he was hers for the taking.
Inalis ni Maggy ang kanyang kumot at bumangon na rin. Hindi nakaligtas sa kanya ang paghugot ng
marahas na hininga ni Austin. Tumayo na rin siya at sinalubong ang mga mata ng binata. Sa isang
iglap ay nag-iba ang paraan ng pagkakatitig nito sa kanya, punong-puno na ng init ang mga mata
nitong parang kay raming gustong ipahiwatig. Desire was written all over his face.
“What are you doing?” namamaos na tanong ni Austin.
May isa pang bagay na na-realize si Maggy nang umagang iyon. Austin was really far from being a
nerd. Yes, he loved books, he loved geography, he loved staying anywhere where there was library but
that didn’t prevent him from being a hot-blooded man who knew what he wanted and who knew how to
get it.
“I’m going on a shower. Tutal ay hindi na rin naman ako makatulog.” Tinalikuran niya na ang binata at
naglakad na siya papunta sa banyo sa loob ng kanyang kwarto.
Ilang sandali pa ay naramdaman ni Maggy ang pagsunod ni Austin. Niyakap siya nito mula sa kanyang
likuran dahilan para matigil siya sa paglalakad. Ang isang kamay nito ay nagpunta sa kanyang dibdib
habang ang isa naman ay naglakbay patungo sa sentro ng kanyang pagkababae. Hinalikan siya nito
sa kanyang batok. Hindi niya napigilan ang pagsinghap.
“You’re still sore. And I believe you need someone to assist you in the bathroom.” Nagtagal ang kamay
ng binata sa ibabang bahagi ng kanyang katawan, nanunukso, nagpapahiwatig. “I know a way to
lessen the pain. Will you let me?”
Sa kabila ng lahat ay napangiti si Maggy. “Kagabi ka pa nananamantala, ngayon ka pa nagpaalam.”
He laughed but even that sounded sexy in her ears. Marahang hinatak na siya nito papasok sa banyo
at ‘inasistihan’ doon katulad ng sinabi nito. That morning, he made love to her in the bathroom.
“I love you, Maggy!” he exclaimed as their bodies joined together once more. “I love you so much!”